KORONADAL CITY – TINIYAK ng pamunuan ng PDEA Region 12 na nagpapatuloy parin ang kanilang monitoring sa mga file cases kung saan may mga mga tauhan ang ahensya na siyang tumututok sa mga nakabinbin na kaso sa korte.
Ayon kay PDEA 12 Information Officer Kath Abad na sa ngayon nagtaas ang numero ng conviction sa mga korte sa mga drug cases, matapos na karamihan sa mga drug suspek na nahuli ng mga ahente ng PDEA ay naka-avail sa plea bargaining.
Isang proseso sa lahat ng criminal cases kung saan ang akusado at ang fiscal ay pwedeng magkasundo at may pahintulot na aminin ang paratang kapalit ng mababang sentensya o mag plead guilty para sa ikabibilis matapos ng kaso at makalaya agad kung siya ay papasa sa mga requirements ng probation.
Dagdag ng opisyal na hindi lahat ng mga drug suspek ay naka-avail nito, subalit mayroon din na binigyan ng dalawang beses depende sa appreciation ng korte.
