Ire-require ng Hong Kong sa mga byahero na manggagaling sa U.S. na manatili sa government quarantine camp nito sa loob ng pitong araw matapos magpositibo sa Omicron variant ang isang pasahero na nagmula sa nasabing bansa.
Iba pa ito sa 14 days quarantine na kailangan nilang gawin sa isang hotel na in-advance nilang na-book.
Inaasahan na magiging epektibo ang mga panibagong patakaran ng Hong Kong sa Lunes.
Sa nasabing araw ay kailangan ng mga byahero mula sa U.S. na sumailalim sa highest tier ng quarantine measures ng lungsod.
Ang U.S. na ang unang bansa sa labas ng Africa ang nalagay sa quarantine center order ng Hong Kong mula nang unang ma-detect ang Omicron noong nakaraang buwan.
