Medical supplies sa Pampanga, sapat ayon kay Governor Dennis “Delta” Pineda

Tiniyak ng Pampanga Provincial Government na sapat ang medical supplies sa lahat ng mga ospital sa buong lalawigan.

Ayon kay Governor Dennis Pineda, sapat ang mga tank oxygen at antibiotics ng ospital lalo pa’t inaasahang sisipa ang kaso ng Covid-19 dahil sa Delta Variant.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nagbukas na rin ng karagdagang isolation center ang Pamahalaang dahil puno na ang mga ospital sa lalawigan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa ngayon, nasa 29, 533 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa Pampanga kung saan 1, 841 sa mga ito ay aktibong kaso, 26, 747 naman ang recoveries at 945 ang fatalities.