Programa para sa mga senior citizen, tuloy tuloy pa rin ayon sa PSWDO Sorsogon

Tuloy tuloy pa rin ang mga programa ng Provincial Social Welfare and Development Office upang makapagbigay ng serbisyo sa lahat ng sektor ng lipunan partikular na sa mga senior citizen.

Ayon kay SJ Novela-Dolot ng PSWDO Sorsogon, ngayong taon ay marami silang nakalinyang mga proyekto para sa mga Lolo at Lola tulad ng provision of hygiene kit and groceries sa ilalim ng  ‘Kalinga sa Kagurangan’ program.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Makikiisa din umano sila sa selebrasyon ng Elderly Filipino Week kung saan magkakaroon sila ng grooming and pampering activities para sa mga senior citizen.

Read More:  PDEA seizes marijuana parcels, arrests one in Aklan

Bukod pa ito sa provision of cash incentives and birthday gifts para naman sa mga centenarian. Samantala, nilinaw ng opisyal na ang pangangailangan ng mga lolo at lola sa pambili ng gamot ay papasok naman sa  kanilang Assistance in Crisis Situation o AICS Program.