Hollywood actor Sean Penn, naglakad para makaalis ng Ukraine papunta sa Poland

Ibinahagi ni Sean Penn sa social media ang larawan na kuha noong February 28, kung saan makikitang naglalakad siya ay may hatak na bagahe.

Ang Hollywood actor-director ay kabilang sa libu-libong tao na lumikas ng Ukraine papunta sa Poland.

Sa ulat ng Reuters, sinabing nagpunta sa kapitolyo ng Ukraine na Kyiv si ang 61-anyos na aktor para kumuha ng video sa ginagawa niyang documentary kaugnay sa pagsalakay ng Russia sa naturang bansa.

Sinasabi kasing iniwan ni Sean ang kanyang sasakyan sa gilid ng daan at nagpasyang maglakad, bagama’t hindi na nito idenetalye ang dahilan.

Samantala, kinumpirma naman ni Mara Buxbaun, spokesperson ng aktor sa Los Angeles, na ligtas na nakaalis ng Ukraine si Sean, bagama’t hindi na rin nito idenetalye kung nasaan ngayon ang aktor.