Ukranian city malapit ng maging “humanitarian catastrophe” – Mayor

Kinumpirma ng Deputy mayor ng Ukrainian City na Mariupol na maituturing na malapit na sa “humanitarian catastrophe” ang kanilang lungsod matapos ang 15 oras na patuloy na ‘bombardment” ng Russian forces.

Sinabi ni Serhiy Orlov na tila hangad ng Russian forces na tuluyang sirain ang kanilang lungsod dahil patuloy ang artillery, multiple rocket, airplanes at tactical rockets sa pagtama sa iba’t ibang parte ng siyudad.

Ayon kay Orlov, dahil sa pangyayari ay naputol na ang suplay ng kanilang tubig at kuryente sa ilang bahagi ng lungsod.

Aminado naman si Orlov na bagamat hindi pa nila matiyak ang bilang, nangangamba siyang umabot na sa daang tao ang nasawi.

Binigyang diin ni Orlov na hindi sila basta basta makapagsagawa ng retrieval sa mga nasawi dahil sa patuloy na pambobomba

Iginiit din ng opisyal na maging ang tatay niya na nakatira sa lungsod ay hindi niya makontak kaya hindi siya tiyak kung buhay pa ito o kasama na sa mga nasawi.