LEGAZPI CITY – Nakapagtala ng pinakamataas ng kaso ng Coronavirus Disease (COVID) 19 ang lungsod ng Ligao sa isang araw lamang na 11 na kasong covid positive sa buwan ng Enero sa taon 2022.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi Kay Mayor Patricia Alsua Gonzales ng Ligao City, sinabi nito, naniniwala ito na ang naging dahilan ng pagdami ng kaso ng covid 19 sa lungsod ay dahil sa holiday season nitong buwan ng Disyembre 2021 at pagiging kampante ng mga tao.
Marami rin ang lumabas ng kanilang tahanan at nagbakasyon kung saan marami umano ang nahawaan sa covid 19.
Hindi rin nito masabi na ang pagdami ng kaso ng nasabing sakit ay dahil sa omicron variant o delta variant.
Kung titingnan kasi sa datus ng City Government ng Ligao ay halos Isang buwan naging covid free.
Sa pagpasok ng buwan ng Enero ay dito na nagsimula pa isa isa ang naitatalang kaso ng covid 19.
Sa ngayon kasi mayroon ng 15 positive cases sa nasabing sakit ang Ligao City.
Dahil dito ay magiging mahigpit muli sa restrictions ang local na pamahalaan na ayon sa inilabas na executive order no.1 series of 2022 ng Gobernador Al Francis Bichara.
Pakiusap ng Alkalde na sundin ang minimum health standard protocols laban sa covid 19 upang makamit muli ang covid free at makapamuhay ng maayos na walang sakit na nararamdaman.