It’s official!
Nakamit ng Hog Festival ng Quezon City ang Guiness World of Record matapos itong itampok at ihain ang pinakamaraming klase ng pork dishes.
28 sa 341 pork dishes ang nadiskwalipika matapos mabigo ang mga ito sa mga guidelines.
Gayunpaman, ang 313 na kwalipikado ay sapat na upang mailagay ang Hog Festival 2024 upang makapasok sa book of world records.
Kabilang sa mga inihain ang bagnet, adobo, menudo, sisig, fusion dishes, at lechon na may kasamang pansit on the side!
Ginawa ang hog festival bilang suporta sa hog industry na sinusubukang makabangon ulit pagkatapos ng pagkalat ng African swine fever.