Halos masira na ng wildfire na tinawag na Dixie fire ang historic Gold Rush towns ng Greenville sa California USA.
Pinalilikas na din ang tinatayang 800 na mga residente ng northern California community bago pa man ang posibleng pagkalat ng wildfire sa downtown area.
Mabuti na lamang at sa kabila ng tatlong linggo nang Dixie fire na siyang ika-walong pinakamalaki sa state history ay wala namang naitalang namatay o nasugatan.
Patuloy namang inaapula ng mga bombero ang sunog pero dahil sa matinding init ng panahon ay mabilis pa rin itong kumalat. Inihayag ni Congressman Doug LaMalfa na siyang nakakasakop sa lugar na walang salitang akma para ilarawan ang pagkatalo nila na maisalba ang Greenville.
Dose-dosena na ng mga istruktura at mga bahay ang nasunog sa wildfire na sumakop na sa 322,000 square acres na lupain.