Checkpoint sa mga boundary ng NCR tatanggalin kung konti lang ang pasaway ayon sa PNP
Posibleng tanggalin ng Philippine National Police ang mga checkpoint sa mga boundary ng Metro Manila sa mga susunod na araw ng Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ito ay kung wala o konti lang ang mga non-Authorized Persons Outside of Residence ang mahuhuli nilang lumalabag sa quarantine restrictions.

Paliwanag ni Eleazar ito ay upang mabawasan ang bigat ng trapiko sa mga borders ng National Capital Region dahil sa mga itinayong checkpoints ng PNP.
Dagdag ng PNP chief kung mapapansin nila ngayong araw hangang bukas na maraming mga motorista ang magpapasaway at hindi susunod sa ECQ, wala umano silang magagawa kundi magbantay.
Unang sinabi ni Eleazar na pinapayagan ang mga non-APOR na maghatid sundo sa mga frontliners basta’t makakakuha ito ng certification mula sa employer ng APOR kung saan nakalagay ang pangalan ng driver.