Hirit na tariff increase ng Primewater nakabinbin pa rin ngayon sa NWRB

CAMARINES NORTE- Nakabinbin pa rin ngayon  sa National Water Resources Board (NWRB)ang hirit ng Primewater na pagtaas ng taripa sa tubig.

Ito ang inihayag ni Branch Manager Mark Antony Muroda sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.

Ayon kay Muroda wala pang napagkakasunduan sa ngayon hinggil sa pag apruba o implementasyon ng hirit na tariff increase pero desido aniya ang Primewater na ituloy ito.

“We are still working it out with the BODs at saka sa management po ng water district, but rest assured na kinokonsider po natin yung sabi nga natin, yung existing na kundisyon ng ekonomiya natin nu, at tsaka yung mga nangyayari, nagsisitaasan yung krudo and so and so forth no, so binabalanse lang po pero sa ngayon po ay wala pang official na date and time of implementation,” ani Muroda.

Iginiit ni Muroda na mayroon ding sinusunod na feasibility study ang kanilang pamunuan na dapat itong magpatupad ng increase sa ika- apat na taon ng Joint Venture Agreement o noon pa dapat 2019 at sa year 6 o noong 2021.  

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Paliwanag ni Muroda na may kapalit namang development at mga proyekto ang pagtaas ng taripa sa tubig.

 “Medyo affected na po yung ating projection base po dun sa  kontrata, so I think po no, its timely naman na makabalik po yung investment and then magamit pa po dun sa development kasi marami pa po tayong naka line- up na mga projects sa ating operation.”

Ang pagkaantala aniya ng hiling na pagtaas ay makakapekto sa mga nakalinyang proyekto at operasyon ng kumpanya.

Handa rin umano ang kumpanya na umupo at ipaliwanag ang bagay na ito sa mga kunsomidores.

We will explain to them saan ito magpo- focus yung mga programs natin and that is doon po sa mga critical areas, mga dulo like Mercedes and then itong mga na- mention natin Guinacutan, Napilihan and then Mocong in Basud, Awitan, Gahonon, yung mga programs na to is makikinabang po yung mga dapat na makinabang, well ang assurance naman po diyan is yung existing na mag maganda nang water supply is imi- maintain natin na magkaroon po din ng magandang water supply.”

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Matatandan na humirit ng tariff increase ang kumpanya noon pang 2020 na umani ng pagtutol mula sa mga kunsomidores.

May mga resolution na rin ng pagkontra sa tariff increase dahil  umano sa maling timing lalo’t nahaharap ang lahat sa krisis na dulot ng COVID- 19.

Kapag inaprobahan ang hirit na pagtaas ng taripa, karagdagang 20 % sa bayarin sa kunsomo sa tubig ang babalikatin ng mga kunsomidores.

Gayunman, una nang ipinaliwanag noon ni Muroda na magdedepende pa rin ito sa regulating body kung aaprobahan ang 20 % na tariff increase o kung mas mababa pa rito.