CAMARINES NORTE- Isang 54-anyos na kabilang sa municipal target list ng PDEA-Camarines Norte ang sinilbihan ng search warrant ng pinagisang pwersa ng mga otoridad nitong nitong Hulyo 2, 2021dakong 12:35 ng umaga sa Purok 4 Brgy. III Poblacion, Vinzons Camarines Norte.
Ang suspek ay kinilalang si Manuel Magno y Cereno, 54 taong gulang, at residente ng Purok-4 Brgy II Poblacion, Vinzons Camarines Norte.
Ang isinagawang paghalughog sa tahanan ni MAGNO ay base sa kautusang ipinalabas ng RTC-Branch 40, Daet, Camarines Norte na may Search Warrant Number D-14-2021 para sa paglabag sa Sec. 11 Article II ng RA 9165.
Nakuha sa nasabing operasyon ang limang (5) katamtamang pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang umaabot sa isang daan at dalawang libong piso (Php102,000.00) ang halaga at may bigat na humigit kumulang sa 15 gramo.
Ang arestadong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Vinzons MPS para sa kaukulang disposisyon habang hinahanda ang pagsampa ng kasong paglabag sa Sec. 11 Article II ng RA 9165 laban sa suspek.

