Jubilee Door sa Parish of San Lorenzo Ruiz binuksan kahapon

CAMARINES NORTE- Binuksan  kahapon, July 2, 2021  ang Jubilee Door sa Parish of San Lorenzo Ruiz De Manila sa bayan ng San Lorenzo Ruiz,  Camarines Norte na isa sa mga Jubilee Churches  sa pagdiriwang ng  ika- 500 taon ng kristiyanismo sa bansa.

Ang pagbubukas ng Jubilee Door ay kasabay ng pagdiriwang ng ika 38 taong Canonical Erection ng naturang simbahan.

Pinangunahan ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang seremonya na dinaluhan din ng ilang kaparian at layko.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Isinilang ang Parish of San Lorenzo Ruiz de Manila noong July 2, 1983  sa unang dekada ng pagiging Diyosesis ng Daet na pormal na itinatag noong  September 1, 1974.

Ngayong ipinagdiriwang ang ika- 500 taon ng kristiyanismo sa bansa ay isa ang naturang simbahan sa mga itinalagang Jubilee Churches sa lalawigan.

Ang anim pa na itinalaga ng Obispo bilang simbahang panghubileyo ay ang  Holy Trinity Cathedral at Paroquia De San Juan Bautista (Daet), Paroquia de San Pedro Apostol (Vinzons),  Paroquia de Nuestra Senora de Candelaria (Paracale), Parish and Shrine of St Anthony of Padua (Mercedes) at Shrine of Jesus the Black Nazarene and Parish of St. Lucy (Capalonga).

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

(photo courtesy: Aki ni San Jose)