Hindi rehistradong SIM cards,  nasa 133.6M pa rin

Umabot na ng lampas sa 35 million ang mga nairehistrong sim cards sa bansa ngunit mababa pa umano ito kumpara sa 133.6M na mga sim cards na hindi pa rin nairerehistro sa kasalukuyan.

Sa pinakahuling tally ng National Telecommunications Commission, mayroon na ngayong 35,334,730 na rehistradong SIM sa buong Pilipinas. Ito ay nasa 20.91 percent lamang ng halos 170 milyong existing sim cards sa bansa.

Sa ngayon ay nakamit na ng Smart Communications Inc. ang 26.71 poercent ng kanilang registration. Nakumpleto na ng Globe Telecom ang 16.45 percent, habang ang Dito Telecommunity ay umabot na sa 20.74 percent.

Magtatapos ang sim card registrations sa April 26, 2023. Ang mga hindi rehistradong SIM ay awtomatikong made-deactivate alinsunod sa Republic Act No. 11934.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *