CAMARINES NORTE- Isang hiling mula sa PDL ang binigyang katuparan ng Sta. Elena MPS sa pamumuno ni PMAJ KIM LAWRENCE R ARENAS, COP para sa kanyang nag-iisang anak.
Bagama’t siya’y nasa bilanguan dahil sa kaso na kanyang kinakaharap, nangibabaw pa rin ang pagiging ama nito matapos hilingin sa mga kapulisan na sana’y mabigyan ng simpleng selebrasyon ang anak niyang babae para sa kanyang ika-limang kaarawan.
Dahil dito, binigyang katuparan ang kanyang hiling kung saan idinaos ang selebrasyon sa Sta Elena MPS sa pamamagitan ng munting salo-salo para sa bata. Nagkaroon din ng pagkakataon na makita at makasama kahit saglit ng bata ang kanyang ama.
Sa ibinigay na pahayag ng PNP-PRO5 sa pamumuno ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, RD, Lubos ang kasiyahan na mababanayad sa mata at mukha ng ama at gayun din ang anak nito na siyang pinaka naging prayoridad ng PNP-PRO5 upang pagbigyan ang kahilingan ng ama.
Ayon pa sa opisyal, ang katulad nitong kaganapan ay patunay na ang hanay ng pulisya sa Bicol ay may busilak na puso na nakahandang maglingkod sa mamamayan. Mahigpit man sa pagpapatupad ng batas ngunit may konsiderasyon parin sa kapwa.
Tiniyak naman ng PNP-PRO5 ang pagbibigay ng serbisyo na galing sa puso ang siyang nangingibabaw, isang serbisyong totoo, nakikita, nararamdaman at napapahalagahan.
