CAMARINES NORTE- Mistulang blockbuster movie pa rin ang pila ng mga nagnanais magpabakuna kontra COVID- 19 sa iba’t- ibang vaccination site sa lalawigan ng Camarines Norte.
Dito sa bayan ng Daet ay madaling araw pa lamang ay nagsisimula na ang pila sa dalawang malaking mall.
Ganito rin ang sitwasyon sa bayan ng Basud na sa pagkuha pa lamang ng numero ay kailangan nang pumila ng maaga.
Sa bayan naman ng Mercedes ay nagpapatuloy ang bakunahan na nagsimula kahapon hanggang ngayong araw at muling magre- resume sa Enero 27 at 28.
Ginagawa ang pagbabakuna sa Municipal Evacuation Center sa Barangay San Roque mula kahapon at magtutiloy- tuloy hanggang Enero 28 maliban sa araw ng Miyerkules.
Mayroon ding bakunahan ngayong araw sa Manguisoc National High School at sa Enero 27 naman ay sa Colasi Integrated School.
Ang mga babakunahan ay 12- 17 taong gulang, adult population, mga naka -schedule ng second dose at ang mga second dose na nalagpasan na sa schedule, gayundin ang mga nabakunahan ng second dose na may higit tatlong buwan na ang nakalipas para sa booster shot.
Muli ring magbabakuna ngayong araw sa Outpatient Department ng Camarines Norte Provincial Hospital.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health nasa 70. 54 % na ang vaccination coverage sa lalawigan sa target population.
Nasa 52. 51 % naman ang fully vaccinated.
