Nasa 500 pamilya naging benepisyaryo ng isinagawang CNPPO project A.K.A.P at Oplan Bisita Eskuwela sa Calaguas Island

CAMARINES NORTE- Nasa 500 pamilya ang nabenepisyuhan ng ginawang paghatid ng tulong at ayuda sa sa tinaguriang PNP Community Outreach Program na ginanap sa Isla ng Calaguas sa Barangay Banocboc, Vinzons, Camarines Norte.

Ang nasabing programa ay naaayon sa CNPPO Project A.K.A.P o  Alay sa Kabataan ng Pulis at ang pagpapatupad ng OPLAN BES o Bisita ESkwela.

Ang aktibidad ay ginawa nitong  Enero 21, 2022 na sinimulan sa pamamagitan ng isang maikling programa at pagkatapos nito ay agad nang sinimulan ang pamamahagi ng DSWD foodpacks bilang ayuda mula sa ating pamahalaan para sa mga piling-pili na benepisyaryo mula sa Brgy. Banocboc, Brgy. Sugod, Brgy. Mangkawayan at Brgy Biday na may kabuuang limandaang (500) pamilya. 

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Namigay rin ang kapulisan ng CNPPO ng limampung (50) tsinelas at dalawang daang (200) pakete ng samu’t saring kendi at tsokolate para sa mga bata na residente ng nabanggit na mga barangay na nagbigay ng labis-labis na kasiyahan sa mga batang nakatanggap nito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa ibinigay na mensahe ni Provincial Director PCOL Julius Guadamor Walang makakapigil sa mga taong bukal sa puso ang pagtulong at may tunay na malasakit sa mga kababayan. Hindi anya hadlang ang sama ng panahon para sa mga kapulisan na mapigilan na maihatid ang tulong ng gobyerno para sa mga kababayang nangangailangan.

Nagpasalamat naman ang opisyal sa mga isinukling ngiti at nag-uumapaw na pasasalamat mula sa mga taga Isla ng Calaguas na napiling benepisyaryo na mabiyayaan ng ayuda