Higit sa 400,000 indibidwal—apektado ng mga Bagyong #GoringPH, #HannaPH, Kirogi, at Habagat

Mahigit 408,000 mga indibidwal o 112,000 na mga pamilya at 1,445 na mga barangay na ang apektado ng sunod-sunod na bagyo na tumama sa bansa.

Ito ang pinakahuling datos na mula kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Dir. Edgar Posadas.

Kaugnay nito, mayroon na aniyang 277 evacuation centers na pansamantalang tinutuluyan ng mahigit 22,000 katao sa CAR, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Region 6.

Samantala, 25 na daanan din mula sa CAR, Region 1, 2, at 6 ang pansamantalang hindi nadadaanan dahil sa ongoing na pagsasaayos sa mga ito.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Nagpatupad na rin ng ahensya ng kanselasyon ng mga paglalayag, habang 200 na mga tao stranded sa CALABARZON, MIMAROPA, at Region 6.

Sa kasalukuyan, mayroong 406 na mga binahang areas; 36 ang talagang lubog sa baha; habang 8 mga areas naman ang nakikitaan na ng pagbaba ng tubig.