Agri-groups – hati ang reaksyon sa price ceiling sa bigas

Pinaburan ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang itinakdang presyo sa bigas ni Pangulong Bongbong Marcos base sa Executive Order No. 39 na magsisimula na sa darating na Martes, September 5, 2023.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay SINAG president Engr. Rosendo So, ipinaliwanag nito na nagkakahalaga ng P21-P22 pesos ang presyo ng palay, habang aabot sa P38 kapag nagiling kung kaya papatak ito ng P41 kapag na-deliver na sa mga retailer na mapapatungan pa ng mga maninindahan.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Dagdag pa nito, na sa usapin ng tumataas na presyo ng abono at tila hindi nababawas sa production cost ng mga magsasaka ay may subsidy na P4,000 para sa mga fertilizer at additional na P5,000 para sa mga palay farmers.

Dinipensahan naman ni dating Department of Agrarian Reform (DAR) secretary, at Kilusang Magbubukid ng Pililinas chairman emeritus Rafael “ Ka Paeng” Mariano ang hiling na mas babaan pa ang itinakdang presyo ng bigas sa merkado sa susunod na linggo.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa panayam pa rin ng Brigada NewsFM kay Mariano, sinabi nito na bilang siya ay isa ring magsasaka alam niya kung madedehado ba ang mga farmers o hindi, sakaling mas mababa pa sa P41 ang regular milled rice at P45 naman sa well-milled rice.

Ayon pa kay Mariano, noon pa nila sinasabi na magtakda na ng price ceiling sa bigas noong hindi pa tumataas ang presyo nito para hindi gaanong naapektuhan ang mga retailers at tinukoy din nito ang mga dapat pang gawin ng gobyerno para sa mga magsasaka.