Magpakarga na dahil simula sa susunod na linggo ay kasado na ang panibago na namang round ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Ayon sa oil industry sources, posibleng magtaas ng P0.90 hanggang P1.30 ang kada litro ng diesel.
Magtataas din ang kada litro ng gasolina mula P0.20 hanggang P0.60; habang sa kerosene naman, may tiyansa rin ng umentong P0.90 hanggang P1.30 kada litro.
Ito na ang ika-asiyam na linggong sunud-sunod na oil price hike.