Higit P2M na social pension napunta sa ilang elected at appointed barangay officials; payout, pansamantalang sinuspende ng DSWD Bicol

Pansamantalang itinigil ng DSWD Bicola ang payout ng social pensioners sa bayan ng Milagros, Masbate dahil sa COA findings na may ilang elected at appointed barangay officials ang nasa listahan at nabayaran.

Ayon sa audit observation memorandum sa Social Pension Program na natanggap ng DSWD Field Office 5 na may petsang Peb. 7, 2024, may mga nasa listahan na elected at barangay appointed officials ang nabayaran ng monthly pension na umabot sa P2, 536,500.00 simula taong 2022 hanggang 2023.

Nakapalaman kasi sa Guidelines o Eligibility Criteria ng Social Pension Program na disqualified ang mga elected at barangay appointed officials dahil sila ay nakatatanggap na ng honorarium at monthly income. Bunsod nito, inalis at nagkaroon ng delisitngs na nakabalangkas sa DSWD MC No. 04, series of 2019.

Bilang resulta, ang social pension focal person sa nasabing lugar, ay nagkakaroon ngayon ng validation  sa mga listahan ng social pensioners.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *