Pormal nang binuksan ng Department of Public Works and Highways ang four-lane bypass road sa Cabagan, Isabela.
Ayon sa ahensya, base sa kanilang record ang Cabagan Bypass Road ay una nang nakumpleto noong December 2021 kung saan pinondohan ito ng mahigit 224.889 milyon pesos.
Kaugnay dito, pinangunahan kahapon ni DPWH Secretary Roger Mercado ang inagurasyon nito.
Sa kaniyang ibinahaging mensahe, aabot sa 17, 000 travelers ang inaasahang dadaan dito kada-araw.