Natukoy ng DSWD Regional Social Welfare Development Indicators ang itinuturin na top 3 gaps at challenges sa mga 4Ps beneficiaries sa Lambak ng Cagayan.
Sa isinagawang Regional Advisory Council meeting DSWD RFO2, tinukoy ni Regional Case Management Focal Person Dona Kae Samonte na base sa kanilang 2021 SWDI re-assesment ay maroon 89.09% employable skills sa mga 4Ps beneficiary, 74.02% social security at 73.19% family awareness.
Mula sa 107, 523 na benepisaryo ay 19 na pamilya ang kabilang sa lebe 1 o survival stage; 15, 707 households sa level 2 (subsistence); at 5,452 ang kabilang naman sa level 3 o self-sufficient na.
Sinabi naman ni Christian Jay Gabillo, 4Ps Regional Monitoring and Evaluation officer na nitong Marso ay kabuoang 107. 523 na ang naserbisyuhan ng 4Ps o katumbas ito ng 101.23% sa kanilang physical accomplishment rate.