Walang naitala na bagong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela ngayon araw base sa datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office.
Bumaba naman sa siyang ang kabuoang aktibong kaso ng lalawigan matapos makarekober ang isang pasyente mula sa naturang sakit.
Sa ngayon ay nasa 28 nang bayan sa lalawigan ang wala nang aktibong kaso habang siyam naman ang nananatiling may aktibong kaso.
Umabot na sa 69,021 ang total cumulative cases, 66,757 total recoveries at 2,256 na total deaths.