Pinuna ng isang lokal na mambabatas ang sitwasyon sa kasalukuyang ginagawang kalsada sa kahaban ng brgy Balagtas patungong Kumintang Ilaya sakop ng Batangas City.
Sa malayang oras ni 2nd District BM Bart Blanco sa sesyon ng Sangguniang Panlalawign, sinabi nito na hindi malinaw kung hanggang saan ang gagawing proyektong asphalt overlay.
Alam lamang ng nasabing mambabatas na ang naturang kalsada ay maganda pa ngunit marahil dahilan sa iprinograma na ito ng Department of Public Works and High ways, ito ay gagawin na kung saan sa pamahalaang nasyunal magmumula ang pondo para dio.
Kaugnay ng nasabing proyekto, mapapansin din ang mga anunsyo ng total truck ban, nabatid na sa gabi na lamang padadaanin ang mga truck sa kahabaan ng kalsada ng Brgy. Balagtas ngunit ang usapin ayon sa mambabatas ay wala umanong koordinasyonang kontraktor o ang DPWH sa tanggapan ng Provl Engineer’s Office o sa Capitolio.
Nabatid pa rin na ang gagawin sa mga truck sa umaga ay padadaanin na lamang ang mg ito sa bahagi ng bayan ng Taysan na wala rin umanong koordinasyon sa lokal na pamahalaan.
Nagulat na lamang aniya ang mga awtoridad sa Taysan ukol dito, inaasahan na din na magrereklamo ang bayan ng Rosario.
Sinasabi tatagal ng may anim na buwan ang naturang proyekto ayon sa mambabatas.
Sa huli ang usaping ito ay ihaharap na lamang sa isang public hearing upang agarang masolusyunan ang posibleng magiging suliranin sa sitwasyong nabanggit.
Napagpasyahan pa ni Bokal Bart na i-refer ang kanyang malayang oras sa Committee on Public Works, Commitee on Transporation at Committee on Trade and Industry para sa kalinawan at aksyon ng nabanggit na isyu.