Isinailalim ng Provincial Veterinary Office sa massive artificial insemination ang may higit walongraang kalabaw sa Hilagang Zambales.
Ito ay para mas maparami pa ang lahi ng kalabaw na malaki ang naitutulong sa pagpapalago ng industriya ng palayan sa probinsiya.
Ayon sa Provincial Veterinary Office sinimulan ang artificial insemination nakaraang buwan ng Pebrero sa rural areas ng Cabangan paakyat sa Sta. Cruz.
Naisakatuparan naman ang insemination sa mga kalabaw sa pakikipagkasundo ng Prov’l. Veterinary Office sa Philippine Carabao Center o PCC na nagbigay ng mga hormones at semilya para magawa ang programa.
Kaugnay pa rin nito isinabay ng vaccinating team sa pagtuturok ng semilya ang deworming sa iba pang mga alagang hayop lugar.//Russell Banawa-BNFM IBA
