Nasabat ng mga otoridad ang nasa 4,892 ecstasy tablets na nagkakahalaga ng mahigit 8-million pesos.
Ito ay matapos na maharang ng Bureau of Customs Port of Clark sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency, Enforcement and Security Service – Customs Anti-Illegal Drug Task Force at Customs Intelligence and Investigation Service.
Ayon sa BOC, isinailalim sa eksaminasyon at inspeksyon ang kahina-hinalang shipment na kalaunan ay nakumpirmang may iligal na droga na isinilid sa coffee beans na nagmula sa Netherlands.
Samantala, nag-isyu na ng Warrant of Seizure and Detention ang ahensya sa shipment.
Photo: BOC