Kinumpirma ni Senador Win Gatchalian na maaring maaprubahan na ang Anti-POGO bill bago matapos ang ikalabingsiyam na Kongreso.
Anya, tila formalities na lang ito dahil nagkaroon na ng pronouncement noong nakaraang State of the Nation Address si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pagbabahagi pa niya, sa darating na Huwebes na magsisimula ang technical working group sa paghimay dito.
Maalala, layunin ng nasabing panukala na ipagbawal na sa bansa ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator kasunod ito ng kaliwa’t kanan na illegal na aktibidad na nangyayari rito kabilang na ang scamming.