PHP 42.1 milyong halaga ng shabu, nasabat ng mga sa isang South African national sa NAIA

Arestado ang isang 31-anyos na lalaking South African national matapos makumpiskahan ng malaking halaga ng iligal an droga sa NAIA Terminal 3.

Ayon kay PNP Drug Enforcement Group director BGen. Eleazar Matta, naaresto ang dayuhan sa Customs International Arrival Area ng NAIA Terminal 3 noong Sabado ng gabi.

Nakuha sa dala niyang maleta ang transparent plastic pouch na naglalaman ng shabu at nakabalot ng itim na duct tape at packaging tape.

Tumitimbang ito ng humigit-kumulang 6,200 grams, at may estimated standard drug price na PHP42,160,000.00.

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dayuhan.