Higit 5k doses ng bakuna kontra covid-19 dumating ngayon sa Olongapo

Makakapagbakuna na muli ang Olongapo City Health Office simula bukas sa mga kabilang sa priority group na A2 at A3.

Ito ay matapos na dumating ngayon ang mahigit limang libong doses ng bakuna kontra covid-19.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, gagawin ang vaccination roll out simula bukas at sisikapin na matapos hanggang sa Myerkules.

Paalala lang ni Bustamante na ipinagbabawal pa rin ang walk in at hintayin lamang ang tawag ng vaccination and operation center para sa schedule.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Panawagan rin nito sa publiko na huwag na mamili ng bakuna dahil mas importante pa rin ang may proteksyon laban sa virus.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Olongapo City Information Center

May be an image of text that says 'MAXAN MangostecnXanthone Mangosteen Xanthone MAXAN The antibiotic and antibacterial properties of moringa and it's high vitaminB content helps with digestion. MAXAN Xanthone MA XẠN XA Shop now! Lazada'