NAGA CITY—Sinimulan na ng Land Transportation Office ang muling pagpapatupad ng mandatory inspection ng mga sasakyan sa mga Private Motor Vehicle Inspection Centers sa Camarines Sur.
Ayon kay LTO Bicol Regional Dir. Franz Ranches Jr., kada araw ay hindi bababa sa 300 mga sasakyan ang naiinspeksyon ng PMVIC sa Pili habang 150 bawat araw naman sa Pamplona.
Pinawi rin nito ang pangamba ng mga motorista hinggil sa mataas na singil o babayaran sa pagpapa inspeksyon ng mga sasakyan.
Aniya, P300 ang babayaran ng mga jeepney, motorsiklo naman ay P400 habang ang mga light vehicle na 4-wheels ay P600.
Huwag din aniya mag-alala dahil wala nang babayaran sa re-inspection.
Sa kabila nito, marami paring motorista ang tutol sa polisiyang ito na malaking abala lalo pat malayo ang lokasyon para sa iba ng dalawang nabanggit na PMVIC sa lalawigan na tanging accredited na magsagawa ng Motor Vehicle Inspection.
Bwelta naman ni Ranches, hindi kapritsuhan lang ng nasa gobyerno kundi pagpapabuti at pagsiguro na ang lahat ng sasakyan na tumatakbo sa kalsada ay pawang mga road worthy.