Higit 40 katao, patay sa engkwentro sa Honduras women’s prison

Patay ang higit 40 katao sa naganap na riot sa pagitan ng mga gang members sa Centro Femenino de Adaptación Social women’s prison sa Honduras.

Limang babaeng preso naman ang nasugatan at dinala sa ospital.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Ayon sa mga awtoridad, umatake ang ilang miyembro ng isang gang sa selda at sinilaban ito ng apoy.

Karamihan sa mga biktima ay nasawi sa sunog at ang ilan ay nakitaan ng tama ng bala ng baril sa katawan.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Nagpapatuloy naman ang pagsisiyasayat upang matukoy kung alin ang naunang naglunsad ng pag-atake.

Samantala dahil sa insidente, nagdeklara na ng state of emergency si Honduran President Xiomara Castro.