Ilang araw mula nang mawalan ng komunikasyon sa Titan submarine, naka-detect umano ang U.S. Coast Guard ng ingay sa dagat, na nasundan ng “banging sounds” na posibleng galing dito.
Na-detect ito ng sonar buoys na naka-deploy sa dagat.
Patungo sana ang nawawalang submarine sa Titanic shipwreck, na may lalim na 12,500 feet sa Atlantic Ocean noong June 18.
Aabot na sa 7,600 sq miles ang search area na sinuyod ng U.S at Canadian aircraft para mahanap ang submarine.

Hindi maaaring mabuksan ang submarine nang walang tumutulong mula sa labas.
Ayon sa isang dati nang nakasakay rito, hindi pa regulated ang expedition at para ito sa mga mayayamang adventurer. Kabilang nga sa mga sakay nito ang British billionaire na si Hamish Harding. Kasama rin sa sakay ang isa sa pinakamalaking conglomerate sa Pakistan na si Shazada Dawood.