Gilas Pilipinas, tutulak na patungong Estonia

Matapos sumalang sa mabibigat na workout sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna, tutulak na ngayong araw patungong Estonia ang Gilas Pilipinas.

Inihayag ni Gilas coach Chot Reyes na hindi magiging kumpleto ang 20-man national pool dahil apat sa kanilang miyembro na kinabibilangan nina Roger Pogoy, Calvin Oftana, Bobby Ray Parks, at Jordan Heading ang nagre-recover sa kanilang injuries.

Read More:  Alex Eala dominates British wildcard Stojsavljevic, advances to Pan Pacific Open Round of 16

Sasabak sa ilang serye ng tune-up games ang Gilas laban sa Estonia, Finland, Latvia at Lithuania upang masigurong makakagawa ang mga ito ng chemistry.

Read More:  Eala, Krawczyk withdraw from Tokyo Open doubles

Samantala, makakasama din sa Europe trip si naturalized player Justin Brownlee na sumailalim sa non-basketball medical procedure.

Siniguro naman ni Reyes na walang dapat ipangamba kay Brownlee.