Higit 365K katao sa region 12, fully vaccinated na laban sa COVID 19

KORONADAL CITY- FULLY vaccinated na laban sa COVID 19 ang 365, 628 na mga indibidwal sa rehiyon 12.
Ito ang inihayag ni Department of Health o DOH 12 Health Education and Promotion Officer Arjohn Gangoso batay sa datos noong September 1.

Ang mga nabakunahan ay kabilang sa A1 hanggang A3 priority groups na kinabibilangan ng mga healthworkers, senior citizens at mga may comorbidities.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Samantala, sinimulan na ng DOH 12 ang vaccination sa mga nasa A4 priority groups o mga frontline workers sa mga essential sectors.

Ngunit ayon kay Gangoso na dahil sa limitadong supply ng bakuna, uunahin sa vaccination ang mga may edad 40 hanggang 59 years old at susundan ng mga 18 hanggang 39 years old.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Prayoridad sa A4 vaccination ang mga manggagawa sa commuter transport at mga private vendors.

Hinihikayat naman ni Gangoso ang mga kabilang sa A4 priority group na magpalista sa mga rural health units upang mabigyan ng alokasyon ng bakuna at schedule ng vaccination.

Magpapatuloy pa rin ang pamamakuna sa mga naiwan na mga nasa A1 hanggang A3 priority groups.