Higit 2,000 na personnel ng IPPO, nabakunahan na

Nabakunahan na kontra COVID-19 ang nasa 93.02 na porsyento o katumbas ng 2,320 mula sa 2,494 na personnel ng Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Briagada News FM Cauayan, mula sa nasabing bilang 71.33% rito o katumbas ng 1,799 ay sponsored ng Provincial Government of Isabela (PGI) sa pamamagitan ng Integrated Provincial Health Office at Local Health Units ng mga munisipalidad sa lalawigan ng Isabela.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Kaugnay dito, ang 1,432 o katumbas ng 57.42% ay nakatanggap na ng unang dose ng bakuna habang ang 347 o 13.91% ay fully vaccinated na.

Pinasalamatan naman ni IPPO Provincial Director PCOL. James Cipriano sa suporta ng PGI sa pangunguna ni Gov. Rodito Albano III sa hanay ng kapulisan sa lalawigan upang maipagpatuloy ang kanilang serbisyo sa publiko sa gitna ng nararanasang pandemya.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Nagsimula ang pagbabakuna sa A4 group sa probinsya sa pamamagitan ng mga uniformed personnel ng IPPO at statroopers ng 5TH Infantry Division.