Higit 20 mga retailers ng paputok, nakapag-apply na ng permit sa BFP-Koronadal

KORONADAL CITY — NAKAPAG-APPLY na ng permit ang mahigit 20 mga firecracker retailers sa tanggapan ng Bureau of Fire Protection o BFP-Koronadal.

Ito ang kinumperma ni Senior Inspector Mary Erika Cudalina-Pedrosa, City Fire Marshall ng lungsod sa panayam ng Brigada News FM Koronadal.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon kay Pedrosa, may mga lugar na silang na-identify na magiging designated areas para sa bentahan ng mga paputok sa Koronadal.

Pinasiguro din nito na magde-deploy sila ng mga bombero at firetruck sa lugar upang agad na ma-respondehan ang posibleng sunog.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa ngayon, tapos na umano ang seminar sa mga retailers ng paputok na isa sa mga requirements upang makapag-tinda ang mga ito.