Natanggap na ng sampung pamilya na naitalang totally damaged ang bahay dulot ng bagyong Kiko sa Basco, Batanes ang kanilang financial assistance na nagkakahalaga ng 33,700 bawat isa kahapon, December 2, 2021.
Ito ay sa ilalim ng programang Emergency Shelter Assistance (ESA) at Cash-For-Work (CFW) ng DSWD Region 2.
Ayon sa ahensya ang 30,000 pesos ay mula sa ESA habang 3,700 pesos naman sa CFW kaya umabot ng 33, 700 ang natanggap ng bawat pamilyang totally damaged ang bahay dahil sa pananalasa ng Bagyong Kiko.
Habang ang mga pamilyang partially damaged ang bahay ay makatatanggap naman ng 11, 850 pesos bawat isa at iba pang apektadong pamilya ay 5,500 pesos naman ang sasahurinb sa kanilang 15-day community works.
Sa susunod namang 14 na araw ay inaasahang mahigit 40.2 milyon pesos ang maipapamahagi sa 5,505 typhoon-distressed families sa anim na Isla ng Batanes.
Ang distribusyon ay papangunahan ng mga miyembro ng Disaster Response Management Division (DRMD) katuwang ang Social Welfare Assistance Desk (SWAD) Batanes at Provincial Social Welfare and Development Office.
Magugunitang 8,000 na pamilya na binubuo ng 27, 000 individuals sa lambak ng Cagayan ang naapektuhan sa pananalasa ng TS Kiko noong Setyembre.
Samantala, bukod naman sa ESA AT CFW pay-out ay magsasagawa rin ang DRMD ng DROMIC orientations sa mga Local Government Unit sa Batanes upang mapabilis ang pagsasagawa ng report at koordinasyon sa ahensya sa oras na magkaroon muli ng kalamidad.