Higit 20 domestic flights ngayong araw, kanselado dahil sa pananalanta ng Bagyong Enteng

Kanselado ang dalawangpu’t apat na domestic flights sa Ninoy International Airport (NAIA) dahil sa pananalanta ng Bagyong Enteng.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa mga nakansela ng biyahe ang Manila-Laoag-Manila, Manila- Tuguegarao-Manila, Manila-Cauayan-Manila, at Manila-Virac-Manila.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Kasama rin sa naturang kanselado ang biyahe ng CEBGO na Manila-Mindoro-Manila, Manila-Naga-Manila, at Manila-Busuanga-Manila.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Sa huli, pinayuhan naman ng MIAA ang apektadong mga pasehero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa refund o rebooking ng kanilang flight.