BGen. Torre hinamon muli si Quiboloy na sumuko na lang

“Ang anak ng diyos ay hindi tumakbo, nagpapako sa Krus.”

Sinabi ito ni Police Regional Office XI Regional Director, BGen. Nicolas Torre III sa pulong balitaan sa Davao City sa nagpapatuloy na paghahanap kay Apollo Quiboloy.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Muling hinamon ni Torre si Quiboloy na sumuko nalang at harapin sa Korte ang kanyang mga kaso.

Binigyang diin ni Torre na walang karapatan si Quiboloy na magtakda ng mga kondisyon sa kanyang pagsuko at dapat ay sumunod nalang sa batas katulad ng mga ordinaryong mamamayan na nahaharap sa kaso.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Kumpiyansa si Torre na mahuhuli din nila si Quiboloy kasabay ng pagsabi na hindi titigil ang PNP hangga’t hindi naissisilbi ang warrant of arrest laban sa lider ng KOJC.