𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟬𝟬 𝗡𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗚𝗜𝗙𝗧 Nasa 135 na mga lolo at lola mula sa Lungsod ng Santiago ang nabigyan ng Cash Gift ng Lokal na Pamahalaan.
Ito na ang ika-limang batch ng distribusyon na mayroong kabuuang halaga na P531,500. Kabilang naman sa mga nabigyan ng Longevity Cash Gift ay ang 132 na senior citizen na mayroong edad na 75-94, habang tatlo naman ang nabigyan ng Nonagenarian Cash Gift na nasa edad 95.
Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, ang naturang cash gift ay taunang natatanggap ng mga benepisyaryo.
Maaari namang magtungo sa Office of the Senior Citizens Affair na matatagpuan sa City Hall Compound, Barangay San Andres kung sakaling may katanungan hinggil dito.
Enter
You sent
