Pagkaka-dismiss ng kaso ni De Lima, patunay sa ICC na gumagana ang ating judiciary – PBBM

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na magandang halimbawa ang pagkaka-dismiss ng illegal drug cases ni dating senadora Leila de Lima para ipakita sa International Criminal Court o ICC na gumagana ang ating hudikatura.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Sa isang ambush interview sa Manila, sinabi ng Pangulo na dumaan sa imbestigasyon, paglilitis hanggang na-acquit ang dating senadora.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Nanatili naman ang posisyon ng Pangulo na walang hurisdiksyon ang ICC sa bansa, dahil merong tayong working police force, at hindi anya tayo nangangailangan ng assistance sa pagpapatupad ng batas sa Pilipinas.