Ayuda at kalinga sa pamilya ng mga bayaning pulis, isinagawa ng IPPO at Provincial Goverment ng Isabela

𝗔𝗬𝗨𝗗𝗔 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗣𝗢 𝗔𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔 Pinangunahan nina Isabela Governor Rodolfo Albano III at PCol Lee Allen Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office ang pamamahagi ng bigas sa 261 na pamilya ng mga pulis na tinaguriang fallen hero at 2,692 na kasapi ng IPPO.

Isinagawa ang Ayuda at Kalinga sa Pamilya ng mga Bayaning Pulis kaninang umaga sa IPPO Grand Stand na dinaluhan ng mga kapulisan at pamilya ng mga namatay na pulis.

Sa naging mensahe ni Governor Albano,maliban sa sampung kilong bigas na ipapamahagi buwan buwan, makakatanggap din ng scholarship ang isang miyembro ng pamilya ng bayaning pulis.

Sa panayam ng Brigada News Team kay PCol Bauding, sinabi nito na dati na nilang ginagawa ang outreach program sa pamilya ng mga namatay na pulis at ito ay nakita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela kaya sila nakipagtulungan sa pamamagitan ng pamamahagi ng bigas.

Dagdag pa ni PCol Bauding, simula sa susunod na taon, gagawin ng 20kilos ang dating sampung kilong ibinibigay sa mga PNP Personnel.

Kaugnay nito, nagpasalamat ang pinuno ng IPPO sa pamunuan ni Governor Albano sa tulong na ibinahagi sa mga miyembro ng IPPO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *