Highest single-day recoveries naitala sa Camarines Norte habang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sumampa na sa 100

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ang Camarines Norte ng “highest single-day recoveries” sa COVID-19.

Sa report ng DOH Bicol kahapon, ito’y matapos na 256 na pasyente ang gumaling  na nagpataas sa bilang ng mga nakarekober sa disease sa 2,205

Ang naturang ang pinakamataas na naitala mula ng maranasan ang pandemya

Samantala, sa ulat pa rin ng DOH Bicol, may 17 bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte mula sa mga bayan ng Daet na may 7 bagong kaso. Tig-da-dalawang kaso naman ang nagmula sa Jose Panganiban, Labo at Vinzons habang may tig-iisang kaso ang bayan ng Basud, San Lorenzo Ruiz at Sta. Elena

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa ngayon ay bumaba na sa 722 ang aktibong kaso ng sakit mula sa 3,027 natotal cases sa Camarines norte

Habang sumampa sa 100 ang bilang ng mga nasawi sa naturang sakit matapos na makapagtala ng isang karagdagang kaso kahapon

sa bilang na ito, nangunguna ang bayan ng Daet sa may pinakamaraming naitala na nawalan ng buhay dahil sa COVID-19

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Base sa COVID-19 briefer ng Daet Emergency operations center na ipinalabas nitong October 20, 2021 ang naturang bayan ay nakapagtala na ng 59 total death case

Ang 58 pagkasawi ay naitala mula sa 19 na Barangay kung saan ang may pinakamaraming kaso ay nagmula sa mga barangay ng Alawihao, Camambugan at Lag-On na may tig-a-anim na kaso