CAMARINES NORTE- Isang 50 anyos na laborer na pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga ang inaresto ng pinagisang pwersa ng otoridad sa ikinasang buy-bust operation dakong 11:55 ng umaga nitong martes sa Purok-1, Barangay VI, Daet, Camarines Norte.
Ang suspek ay nakilalang si RODOLFO OBNAMIA JR y Velez , 50 anyos na laborer, at residente ng nabanggit na lugar
Si Obnamia ay kabilang sa listahan ng Database on Illegal Drugs ng PNP
Nakuha sa isinagawang operasyon ang Isang (1) piraso ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu” na buy-bust drug; at Limang Daang Piso (Php 500.00) na buy bust money
Nakuha rin sa pag-i-ingat ng suspek ang Isang (1) piraso ng nakabukas na plastik na pakete na naglalaman ng Anim (6) na piraso ng maliliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu”
Ang mga nasamsam na iligal na droga ay tinatayang may street value na Tatlong Libong Piso ang halaga (3,000.00) na may bigat na tinatayang humigit kumulang isang (1) gramo.
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 ang kakaharapin ng nasabing suspek.

