LEGAZPI CITY – Muling ipinalawig ng Alkalde ng Guinobatan ang granular lockdown sa 42 Barangay sa nasabing bayan.
Ito ang inihayag ni Mayor Gemma Ann Ongjoco . Ayon kay Ongjoco, epektibo ngayon araw ang isang linggo na granular lockdown matapos makapagtala ito ng 28 kaso na nagpositibo sa covid 19 sa isang araw lamang. Magtatapos naman sa ika 28 ng Oktobre ng 2021 ang nasabing lockdown.
Aniya, makakalabas din naman ang tao sa kanilang tahanan kung ito ay magtatrabaho. Tanging hindi pinapayagan na lumabas sa kanilang tahanan ang 18 taong gulang na pa baba habang 60 anyos na pataas.
Paglilinaw din nito, tanging bibigyan ng ayuda ay mga covid positive at nasa quarantine facility. Hindi na rin kakayanin ng LGU at maging National Government na bigyan ng ayuda ang mahigit kumulang sa 27 families o 22K household.
Panawagan ng opisyal sa lahat ng mga residente ay makipagtulungan, sumunod kung anuman ang ipinatutupad na health protocols dahil sa marami na ang senior citizen ang namamatay sa covid 19 araw araw.