Highest one day tally ng bagong kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte ngayong 2022 naitala kahapon

CAMARINES NORTE- 62 na panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon, pinakamataas na bilang na naitala sa pagpasok ng bagong taon

Ang mga bagong kaso ay naitala mula sa 10 bayan ng lalawigan

Nangunguna sa may pinakamaraming bagong kaso ang bayan ng Daet na may 22, may 16 na kaso naman ang Labo, 7 mula sa Paracale at 5 kaso ang nagmula sa bayan ng Basud

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Habang may tigta-tatlong (3) kaso naman ang bayan ng Jose Panganiban, Sta. Elena at Vinzons at tig-i-isang (1) kaso ang Capalonga, Mercedes at  San Vicente  

Bunsod nito, pumalo sa 3,314 ang total cases ng COVID-19 sa lalawigan dahilan rin upang umakyat sa 174 ang aktibong kaso ng sakit

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Habang nananatili sa 2,943 ang total recoveries at 197 ang total death toll

kung matatandaan, huling nakapagtala ng daily record high na 79 na bagong kaso ang lalawigan September 02 ng nakaraang taong 2021