Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na isasama nila sa kanilang proposed 2022 budget ang hiling ng Department of Education na taasan ang bayad para sa mga gruo na magsisilbi sa nalalapit na national elections.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, hiniling kasi nila na kung maari ay magkaroon ng probisyon ng overtime pay, allowance para sa transportasyon, pagkain, seguridad at proteksyon, bilang ma-eexpose rin umano ang mga guro sa ilang lugar.
Una nang iminungkahi ng DepEd ang P3,000-increase na bayad para sa mga guro na magsisilbing poll watchers, dahilan para tumaas ang kompensasyon sa P9,000 para sa electoral board chairpersons, P8,000 para sa mga miyembro, P7,000 para sa supervisor officials at P5,000 para sa support staff.
Maliban dito, hiniling rin ng ahensya ang P500 COVID-19 hazard pay per day, P1,000 food allowance at P2,000 transportation allowance. // MHEL PACIA