Deped: 2 shifts para sa 2022 poll workers, ikinokonsidera

Inihayag ni Education Undersecretary Alain Pascua na posibleng dalawa ang shifts para sa mga guro na magsisilbi sa 2022 general election, sakaling maging extended ang voting hours.

Ayon kay Pascua, walo hanggang sampung oras lang ang magiging trabaho ng mga guro, sa gitna ng hint ni Elections Commissioner Antonio Kho Jr. na posibleng magtagal ang voting hours ng 12 hours.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Giit kasi ng opisyal, mahihirapan na ang mga guro at sobra na ang pagod nila, kaya imumungkahi umano nila na gawing dalawa ang shifts ng mga magsisilbi.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Mababatid na ang mas mahabang voting hours ay sa gitna ng plano ng poll body na limitahan ang bilang ng mga boboto bawat cluster precinct sa 800 o mas mababa pa, depende sa availability ng vote-counting machines. // MHEL PACIA