Inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na kasalukuyang nilang pinaghahandaan ang grand hero’s welcome para sa two-time Gold Olympic Medalist na si Carlos Yulo sa kanyang pagbabalik sa bansa pagkatapos ng kanyang makasaysayang tagumpay sa Paris Olympics.
Ayon sa alkalde, kahanga-hanga ang ipinakita ni Yulo, na tubong Leveriza sa Malate, Maynila.
Tiniyak din ni Mayor Honey na makakatanggap ng cash incentives at awards ang manlalaro mula sa pamahalaang lungsod.
Sa ngayon, nakikipagugnayan na ang Manila LGU sa team ni Yulo para kumpirmahin ang petsa hero’s welcome.